Papel ng katotohanan tungkol sa carbon monoxide

Download

Ano ang carbon monoxide?

Ang carbon monoxide ay isang delikadong gas. Ang pag-ihip nito ay maaaring maging sanhi ng pagkakasakit o pagkamatay.

Mahirap malaman kung mayroong carbon monoxide – hindi mo ito makita, maamoy o mapakinggan.

Sino ang maaaring magkasakit sanhi ng carbon monoxide?

Kahit sino ay maaaring magkasakit dahil sa carbon monoxide.

May mga taong mas madaling magkakasakit kaysa iba. Ang mga taong ito ay:

  • Mga sanggol
  • Mga nagbubuntis
  • Mga matatandang tao
  • Mga taong matagal nang may mga sakit, katulad ng mga sakit sa puso.

Saan mayroong carbon monoxide?

Ang carbon monoxide ay resulta ng pagkakasunog ng:

  • Natural na gas
  • Petrolyo
  • Kahoy
  • Uling
  • Karbon.

Maraming mga kagamitan sa bahay ang nagsusunog sa mga pansiga na ito at nagreresulta ng carbon monoxide.

Ang carbon monoxide ay maaaring mananatili sa loob ng inyong bahay, lalo na kung nakasara ang mga pintuan at bintana. Ito ay mag-iipon ng maraming carbon monoxide na napakamapanganib ang lebel.

Paano mananatiling ligtas ako at ang aking pamilya?

Mga barbeque, grill at heater sa labas

Huwag dadalhin sa loob ng bahay ang mga gamit pang-barbeque, pang-sigahan o outdoor gas heater. Ang mga ito ay gagamitin lamang sa labas. Itong mga bagay-bagay ay nagsusunog ng mga panggatong katulad ng natural gas, kahoy, at uling (beads o briquettes).

Kung ginagamit mo ang mga ito sa loob ng bahay, napakadaling mag-ipon ng mapanganib na lebel ng carbon monoxide.

Basahin ang tagubilin ng bawat bagay upang malaman kung maaari itong gamitn sa loob o sa labas ng bahay.

Mga makinang de-petrolyo

Huwag gumamit ng mga bagay na pinapaandar ng mga makinang de-petrolyo sa loob ng bahay o garahe, kahit na nakabukas ang mga pintuan at bintana.

Ang ilang mga kagamitan na may mga makinang de-petrolyo ay:

  • Mga kotse at bangka
  • Mga pressure washer
  • Mga lagare ng konkreto
  • Mga generator.

Mga heater na gas

Kung gumagamit ka ng mga pampainit na de-gas sa loob ng bahay:

  • Basahin ang mga tagubilin upang matiyak na maaari mong gamiti ang heater sa loob ng bahay.
  • Tiyakin na may rehistradong gas fitter (tagapagkabit) ang titingin sa heater nang di-kukulangin sa bawat dalawang taon.
  • Pag-isipang maglagay ng carbon monoxide na pang-alarma upang mabigyan ka ng babala kung nasa mataas nang lebel ang naipon nito. Naiiba ang carbon monoxide alarm sa smoke alarm.

Paano ang paglalagay ng isang carbon monoxide na alarma?

Kung gusto mong maglagay ng alarma sa carbon monoxide sa inyong bahay, ganito ang dapat mong gawin:

Pumili ng carbon monoxide alarm na may etiketa na ito ay nasasagot ang mga batayan sa USA (UL2034) o Europa (EN50291).

Ilagay ang mga alarma sa carbon monoxide sa malapit sa mga silid-tulugan at sa may mga silid na may gas heater sa loob ng inyong bahay.

Sundin ang mga tagubilin sa pagkakabit, pagmementena at paggamit ng alarma sa carbon monoxide.

Paano ko malalaman kung ang isang tao ay may sakit dahil sa carbon monoxide?

Makakatulong na malaman mo ang mga sintomas ng sakit mula sa carbon monoxide.

Kung mas marami kang naihip na carbon monoxide, magiging mas malala ang mga ito.

Ang nakaihip ng mas kakaunting gas ay maaaring may:

  • Mga sakit ng ulo
  • Pagkakatuliro
  • Pagduduwal
  • Damdaming pagod.

Ang nakaihip ng mas maraming gas ay maaaring may:

  • Damdaming pagkahilo
  • Damdaming pagkakahimatay
  • Pagkawala ng malay
  • Matagalang pagkakapinsala ng utak at pagkakamatay.

Ano ang maaari kong gawin kung may taong pinaghihinalaan kong may sakit dahil sa carbon monoxide?

Kung may taong nahihilo o mawawalang malay o nawawalan ng ulirat, ito ay isang emehensya. Tumawag sa Triple Zero (000).

Kung may taong nagkakasakit ng ulo, naduduwal o nasusuka o nakakaramdam ng panghihina:

Palabasin lahat ng tao mula sa bahay upang makahinga ng sariwang hangin.

Tumawag sa Sentro ng Impormasyon Tungkol sa mga Lason (Poisons Information Centre) sa 13 11 26 para sa pagpapayo anumang oras.

Kung kailangan mo ng interpreter, tumawag sa TIS sa 131 450 at humiling na makausap ang Poisons Information Centre.

Upang madagdagan ang kaalaman

Tingnan ang mga website na ito upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga paraan ng ligtas na pagpapainit sa inyong bahay:

Current as at: Tuesday 20 May 2025
Contact page owner: Environmental Health