Ang impeksiyon ng TB (kilala rin bilang nakatagong TB infection o 'natutulog' na TB) ay kapag mayroon kang mga mikrobyo ng TB sa iyong katawan, ngunit hindi ka nila ginagawang maysakit. Ang immune system ng iyong katawan ay nagpapahinto sa mga mikrobyo na nagiging sanhi ng anumang pinsala. Walang mga sintomas ang impeksyon ng TB at ang mga mikrobyo ay hindi maaaring maipasa sa ibang tao.
Ang impeksiyon ngTB ay naiiba sa sakit na TB na kung saan nagising o dumami ang mga mikrobyo ng TB at nagkakasakit ka dahil dito at naipapasa mo ang mga mikrobyo sa ibang tao.
Ang TPT ay mga espesyal na antibiotic para sa impeksyon ng TB. May iba't ibang uri ng antibiotics – ang iyong doktor ang magpapasiya kung alin ang pinakamainam para sa iyo. Ang haba ng oras na kailangan silang inumin ay naiiba para sa lahat, ngunit sila ay iniinom ng ilang buwan. Ang ºÚÁϳԹÏÍø Health ay nagbibigay ng TPT nang libre anuman ang visa o Medicare status.
Maaaring mabawasan ng TPT ang panganib ng sakit na TB ng 90% kung iniinom mo ang lahat ng gamot na inirereseta ng iyong doktor. Posible pa rin bang mahawa muli sa mikrobyo ng TB. Maaaring mangyari ito kung maglakbay ka sa bansa na may maraming TB o nasa paligid ng isang taong may TB. Walang paraan para masuri upang makita kung ang gamot ay tumalab. Ang tanging paraan upang malaman ay sa pamamagitan ng pag-inom ng lahat ng mga gamot ayon sa inireseta ng iyong doktor.
Ang TPT ang pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang iyong sarili laban sa sakit na TB. Kung ang doktor ay nag-alok ng TPT, ito ay dahil ikaw ay nasa panganib na magkasakit ng TB. Pinipigilan ng TPT ang mga mikrobyo ng TB na pasakitin ka bago ka magkasakit. Pinipigilan ka nitong magkasakit at kumalat ang sakit sa iyong pamilya at komunidad.
Ang mga side effect ng TPT ay hindi pangkaraniwan. Maaaring hilingin sa iyo na dumaan sa isang blood test upang suriin kung ang lahat ay okay. Ang doktor at nars ay makikipag-usap sa iyo tungkol sa mga posibleng epekto bago ka magsimula sa anumang gamot.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Tuberculosis (TB) fact sheets.​
Para sa libreng tulong sa iyong wika, tumawag sa Translating and Interpreting Service sa 13 14 50.