Ang interferon gamma release assay (IGRA) ay isang pagsusuri ng dugo upang makita kung ang isang tao ay may impeksyon ng tuberkulosis (TB). Ang impeksyon ng TB ay nangyayari bago ang sakit na TB. ​
Ang impeksiyon ng TB (kilala rin bilang nakatagong TB infection o 'natutulog' na TB) ay kapag mayroon kang mga mikrobyo ng TB sa iyong katawan, ngunit hindi ka nila ginagawang maysakit. Ang immune system ng iyong katawan ay nagpapahinto sa mga mikrobyo na nagiging sanhi ng anumang pinsala. Walang mga sintomas ang impeksyon ng TB at ang mga mikrobyo ay hindi maaaring maipasa sa ibang tao.
Ang impeksiyon ng TB ay naiiba sa sakit na TB na kung saan ay nagising o dumami ang mikrobyo ng TB at nagkasakit ka mula dito at naipapasa ang mga mikrobyo sa ibang tao.
Kung ang IGRA blood test ay nagpapakita na mayroon kang impeksyon sa TB, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng gamot upang matigil ang sakit na TB.
Ang karagdagang impormasyon tungkol sa impeksyon ng TB ay matatagpuan dito: TB infection
Ang IGRA ay isang pagsusuri ng dugo na nangangailangan ng 4 na maliliit na tubo ng dugo. Maaari kang kumain at uminom ng normal bago ang test. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagsukat ng immune response ng katawan sa mga mikrobyo na nagdudulot ng TB.
Ipaalam sa nars o doktor kung ikaw ay:
Kung positibo ang resulta ng iyong IGRA, maaaring nakipag-ugnay ka sa mga mikrobyo ng TB sa nakaraan. Ang negatibong resulta ng IGRA ay nangangahulugang malamang na hindi ka naman nakipag-ugnay sa mga mikrobyo ng TB.
Ipapaliwanag ng iyong nars o doktor ang resulta at kung kailangan mo ng anumang karagdagang mga test o gamutan.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Tuberculosis (TB) fact sheets​.
Para sa libreng tulong sa iyong wika, tumawag sa Translating and Interpreting Service sa 13 14 50.