Ang syphilis ay isang impeksiyon na naipapasa sa pakikipagtalik na maaaring gamutin at pagalingin sa tulong ng mga antibiyotiko. Kung hindi gagamutin, maaari itong makaapekto sa utak, spinal cord at iba pang mga organo. Maaaring maiwasan ang pagkahawahan sa pamamagitan ng paggamit ng condom at dam.
Ang syphilis ay isang lubos na nakakahawang sexually transmissible infection (STI) na sanhi ng bakteryang Treponema pallidum. Maaaring gamutin at pagalingin ang Syphilis sa pamamagitan ng antibayotiko. Kung hindi gagamutin, ang syphilis ay maaaring magdulot ng malulubhang problema sa kalusugan.
Ang syphilis ay kumakalat:
Kung minsan, ang mga taong may syphilis ay walang sintomas. Nangangahulugan ito na maaaring hindi alam ng mga tao na mayroon sila nito maliban kung magpapasuri sila ng dugo. May tatlong yugto ng impeksyon na kilala bilang primary, secondary at tertiary syphilis.
Ang bawat yugto ng impeksyon ay may iba't ibang sintomas.
Kabilang sa mga karaniwang sintomas ang:
Kung hindi gagamutin, ang impeksyon ay maaaring maging banta sa buhay. Maaari itong kumalat sa utak, nerbiyo, mata, puso, mga daluyan ng dugo, spinal cord, atay, mga buto, at mga kasukasuan. Ang yugtong ito, ay kilala bilang tertiary syphilis.
Ang syphilis ay maaaring kumalat sa nervous system (utak, spinal cord at mga nerbiyo) sa anumang yugto ng impeksyon. Ito ay tinatawag na neurosyphilis. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang sakit ng ulo, pagbabago sa pag-uugali, kahirapang mag-koordina sa mga paggalaw ng kalamnan, paralisis, pamamanhid, at dementia.
Ang syphilis ay maaaring kumalat sa mata sa anumang yugto ng impeksyon (ito ay tinatawag na ocular syphilis). Maaaring kabilang sa mga sintomas ang pagkawala ng paningin, malabong paningin, pananakit ng mata, pamumula ng mata o kahit permanenteng pagkabulag.
Lahat ng mga taong aktibo sa pakikipagtalik ay nanganganib na mahawahan. Ang mga taong may pinakamataas na panganib na mahawaan ng syphilis ay ang:
Ang impeksyon sa syphilis ay maiiwasan sa pamamagitan ng:
Ang hindi ginamot na syphilis ay maaaring maging napakalubha. Ang mga regular na pagsusuri sa STI sa iyong doktor (kabilang ang blood test para sa syphilis) ay makakatulong na matukoy at magamot nang maaga ang syphilis.
Ang mga buntis ay dapat magpasuri para sa syphilis:
Ang paggamot sa syphilis ay ligtas. Kung ginagamot ang syphilis sa maagang yugto ng pagbubuntis, napakabisa nito sa pagpigil sa syphilis sa mga hindi pa isinisilang na sanggol. Kung mas maagang gagamutin ang impeksyon, mas mababa ang panganib na maapektuhan ng syphilis ang sanggol.
Kung ang isang buntis ay may syphilis, ang impeksyon ay maaaring maipasa sa hindi pa isinisilang na sanggol (ito ay tinatawag na congenital syphilis). Ang isang nahawahang fetus ay maaaring mamatay sa sinapupunan (stillbirth), o ang sanggol ay maaaring ipanganak nang maaga at may mga abnormalidad nang ipanganak. Ang mga sanggol na ipinanganak na may congenital syphilis ay maaaring may mga butong may depekto, malubhang anemia (mababang bilang ng dugo), namamagang atay o pali (spleen), paninilaw ng balat o mga mata (jaundice), mga problema sa utak at nerbiyo tulad ng pagkabulag at pagkabingi, impeksyon sa takip ng utak (meningitis) o mga singaw sa balat. Kung hindi gagamutin ang mga sanggol na ito, maaaring maantala ang kanilang pag-unlad, magkaroon ng mga seizure, o mamatay.
Ang syphilis ay nadidiyagnos sa pamamagitan ng pagsusuri sa laboratoryo ng iyong doktor o nars. Ang pagsusuri para sa syphilis ay maaaring kolektahin mula sa:
Ang sample ay ipapadala pagkatapos sa isang laboratoryo para masuri. Kasalukuyang walang maaasahang mga self-test na inaprubahang gamitin sa Australya.
Kung mayroon kang ulser o sugat, inirerekumenda na magpa-swab sa ulser o sugat. Ito ay dahil maaaring mas tumagal bago lumabas ang mga positibong resulta sa mga blood test. Dahil dito, ang iyong doktor o nars ay maaaring magrekomenda ng muling pagsusuri sa 12 linggo pagkatapos ng kamakailang pagkalantad.
Tumawag sa ³ó±ð²¹â€‹l³Ù³ó»å¾±°ù±ð³¦³Ù​ (1800 022 222) para humanap ng serbisyo sa pagsusuri na malapit sa inyo.
Ang syphilis ay karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng mga pag-iniksyon ng penicillin. Ang penicillin ay isang antibayotiko. Ang dami ng mga iniksyon ay mag-iiba depende sa yugto ng impeksyon. Ang mga follow-up na blood test ay kinakailangan upang matiyak na ang paggamot ay gumana.
Ang mga taong nagkaroon ng syphilis ay maaaring magkaroon muli nito. Ang mga taong nagkaroon ng syphilis ay maaaring patuloy na magpositibo sa blood test kahit na sila ay gumaling na. Ang kumbinasyon ng kasaysayan ng paggamot at mga blood test ay makakatulong na matukoy kung ang impeksiyon ay bago o dati nang ginamot na impeksiyon.
Ang mga sexual partner ay kailangang masuri at gamutin. Mahalaga ito upang maiwasan ang muling impeksyon at maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa iba.
Kung mayroon kang syphilis, dapat kang: