Ang HIV ay isang virus na sumisira sa immune system (naturalesa). Naipapasa ito sa pamamagitan ng mga likido sa katawan (body fluids). Available ang mga paggamot para sa impeksyon ng HIV, ngunit walang bakuna at walang lunas. Ang AIDS ay huling yugto ng impeksyon ng HIV.
Ang HIV, o human immunodeficiency virus, ay umaapekto sa immune system. Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng mga likido sa katawan at unti-unting sinisira ang mga puting selula ng dugo ng katawan, na karaniwang tumutulong sa katawan na manatiling malusog at lumalaban sa mga impeksyon.
Bagama't walang bakuna o lunas sa kasalukuyan, ang HIV ay isang mapapamahalaang talamak na kondisyon. Sa mabisang paggamot, ang mga taong may HIV ay maaaring mamuhay nang matagal at malusog.
Ang mabisang paggamot sa HIV ay nagpapababa ng virus sa napakababang antas kaya hindi ito matuklasan sa isang viral load test. Nangangahulugan ito na ang virus ay hindi natutuklasan sa katawan. Kung ang virus ay hindi natutuklasan, hindi ito maipapasa sa iyong mga sexual partner hangga't palagi mong ipinagpapatuloy ang paggamot sa HIV. Ito ay kilala bilang Undetectable = Untransmittable, o U=U.
Ang HIV ay hindi kumakalat sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng paghalik, pagsasalo ng mga tasa, kutsara't kubyertos, karaniwang panlipunang contact, mga upuan sa kubeta o lamok. ​
Humigit-kumulang 70% ng mga taong may HIV ang magkakaroon ng mga sintomas. Ang mga maagang sintomas ay karaniwang nagsisimula mga 2 linggo pagkatapos ng pagkalantad. Ito ay tinatawag na seroconversion illness.
Kabilang sa karaniwang mga maagang sintomas ang:
Pagkatapos ng mga unang sintomas na ito, ang mga taong may impeksyon ng HIV ay karaniwang walang sintomas sa loob ng maraming taon; ngunit, nananatili ang virus sa katawan.
Kung hindi gagamutin, ang HIV ay maaaring magdulot ng malulubhang immune deficiency, kabilang ang mga impeksyon at mga kanser. Ang huling yugto ng impeksyon ng HIV ay tinatawag na acquired immunodeficiency syndrome (AIDS).
Sa Australya, ang mga taong may pinakamataas na panganib na magkaroon ng impeksyon ng HIV ay ang:
Ang impeksyon ng HIV ay maiiwasan sa pamamagitan ng:
Inirerekomenda ang pagsusuri sa HIV para sa sinumang nag-iisip na maaaring nanganganib silang maimpeksyon. Inirerekomenda ang mas madalas na pagsusuri para sa mga bakla, bisexual at iba pang mga lalaki na nakikipagtalik sa mga lalaki (GBMSM) at mga babaing transgender at mga taong gender diverse na nakikipagtalik sa lalaki.
Mayroong 3 uri ng pagsusuri sa HIV na maaaring gamitin sa pagdiyagnos ng HIV.
Walang pagsusuri sa HIV ang makakatuklas kaagad ng HIV pagkatapos ng impeksyon. Ito ay dahil sa window period, ang oras sa pagitan ng pagkalantad sa HIV at kung kailan maaaring matuklasan ng pagsusuri ang HIV sa iyong katawan. Ang window period ay depende sa uri ng HIV test. Ang mga rapid at self-test ay kadalasang mas tatagal nang kaunti kaysa sa laboratory test upang makita kung may kamakailang impeksyon. Nangangahulugan ito na maaaring maging negatibo ang iyong mga resulta habang mayroon kang aktibong impeksiyon. Maaaring kailanganin mo ng isa pang pagsusuri kahit pagkatapos ng iyong negatibong resulta upang malaman kung ikaw ay may HIV.
Mahalaga na laging ligtas na makipagtalik at ligtas na mga gawi sa pag-iniksyon habang naghihintay ng mga resulta ng pagsusuri. Bawasan ang iyong panganib ng pagkakalantad at impeksyon sa hinaharap sa pamamagitan ng paggamit ng ligtas na pakikipagtalik (safe sex) at mga gawi sa pag-iniksyon pagkatapos matanggap ang iyong resulta.
Ang Atomo HIV Self-Test ang tanging self-test na inaprubahan ng Therapeutic Goods Administration (TGA) sa Australya. Mahalagang gumamit lamang ng mga sariling-pagsusuri (self-tests) para sa HIV na inaprubahan ng TGA, para malaman mo na ang pagsusuri ay tumpak at ligtas na gamitin. Maaari kang bumili ng mga self-test ng Atomo sa online at sa ilang mga botika.
Lahat ng positibong rapid at self-test ay kailangang kumpirmahin ng blood test. Kung nagpositibo ka, makipag-ugnayan kaagad sa iyong healthcare provider para sa suporta at karagdagang pagsusuri para kumpirmahin ang resulta. Ang ºÚÁϳԹÏÍø Sexual Health Infolink ay maaaring magbigay ng payo at suporta sa pamamagitan ng pagtawag sa 1800 451 624.
Tumawag sa healthdirect (1800 022 222) para humanap ng serbisyo ng pagsusuri na malapit sa inyo.
Walang bakuna at walang lunas para sa HIV, gayunpaman, ang paggamot gamit ang antiretroviral therapy (ART) ay lubos na mabisa sa pagpigil sa pinsala sa immune system na dulot ng HIV. Pinipigilan ng ART ang virus na magparami at magdulot ng pinsala sa katawan.
Bukod pa rito, maaaring makamit ng mga taong may HIV na umiinom ng ART ayon sa inireseta ang isang hindi matuklasang viral load, na nangangahulugang hindi mo maikakalat ang virus sa mga sexual partner. Ang mga taong may impeksyon ng HIV na kumukuha ng pang-araw-araw na paggamot ay maaaring magkaroon ng isang masagana at mahabang buhay.
Maraming mga ART na opsyon sa paggamot para sa mga taong may HIV. Tatalakayin sa iyo ng iyong doktor kung alin ang pinakamahusay na opsyon para sa iyo.