Ang Hepatitis B ay isang impeksyon sa atay na sanhi ng hepatitis B virus. Nakakahawa ito sa pamamagitan ng dugo at mga likido ng katawan. Maaari itong magdulot ng pinsala sa atay o kanser sa atay. Ang impeksyon ay maaaring acute o chronic. Maaaring mapigilan ang Hepatitis B sa pamamagitan ng mga pagbabakuna, ligtas na pakikipagtalik at ligtas na pamamaraan ng pag-iniksyon.
Ang Hepatitis B ay isang impeksyon na sanhi ng hepatitis B virus.
Maaari itong magdulot ng mga panandaliang sintomas, na kilala bilang acute infection. Kung minsan ay tatanggalin, o “aalisin” ng katawan ang virus, sa loob ng 6 na buwan pagkatapos mahawaan. Kapag naalis na ang virus, hindi na maaaring mahawaan pa ang isang tao o ihawa ang virus sa iba.
Ang ilang taong nahawahan ng hepatitis B ay hindi naaalis ang virus at nagkakaroon ng panghabang buhay na impeksyon, na tinatawag na chronic infection. Ang chronic hepatitis B ay maaaring magdulot ng pinsala sa atay, kanser sa atay o pagpalya ng atay. Maaaring makakatulong ang pagpapagamot na mahadlangan ang mga matinding problema sa atay.
Ang hepatitis B ay maaaring nakakahawa sa pamamagitan ng pagkakalantad sa dugo na naglalaman ng hepatitis B. Kung ang nahawaang dugo o mga likido ng katawan ay makapasok sa katawan ng ibang tao, maaaring mahawaan ang taong iyon. Maaaring ito ay dadaan sa pamamagitan ng nahiwa o tumagos sa balat, mga mucous membrane (bibig o mga maselang bahagi ng katawan), o sa mata.
Maaari itong nakakahawa sa pamamagitan ng:
Ang hepatitis B ay hindi nakakahawa sa pamamagitan ng kaswal na paghawak/pagkalantad (casual contact) tulad ng pagyakap o paghawak ng kamay, paghalik sa pisngi, pag-ubo o pagbahing, o pagbabahagi ng pagkain o mga kagamitan sa bahay.
Maraming tao na may impekyon na acute hepatitis B ay hindi magkakaroon ng mga sintomas.
Kadalasang nagsisimula ang mga sintomas ng mga 1 hanggang 4 na buwan pagkaraan ng impeksyon at magtatagal ng maraming linggo.
Ang mga taong may acute hepatitis B impeksyon ay maaaring ‘maalis’ ang virus at gagaling na walang pagpapagamot.
Ang chronic hepatitis B ay kung saan ang hindi ‘naalis’ ng katawan ang inisyal na impeksyon sa unang 6 na buwan.
Hindi lahat ng mga taong may chronic na hepatitis B ay magkakaroon ng mga sintomas. Ang ilang tao ay maaaring magkaroon ng kasingtulad na mga sintomas sa acute hepatitis B impeksyon. Kung minsan, may mga taong walang sintomas hanggang magkaroon sila ng mas malalang mga problema sa atay. Ang chronic hepatitis B impeksyon ay matindi at maaaring magdulot ng pinsala sa atay (cirrhosis), kanser sa atay o pagpalya ng atay. Ang mga kondisyong ito ay nakakamatay.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang How is hepatitis B treated? (Paano ginagamot ang hepatitis B?)
Ang sinumang hindi nagkaroon ng hepatitis B o isang bakuna laban sa hepatitis B ay nanganganib ng impeksyong hepatitis B.
Ang mga taong nasa mas mataas na panganib ng impeksyong hepatitis B ay:
Ang pagbabakuna ay ang pinakamabisang proteksyon laban sa hepatitis B.
Inirerekomenda ang isang kurso ng pagbabakuna para sa lahat ng mga bata at mga taong nasa pangkat ng mga mataas ang panganib. Ang mga taong hindi nabakunahan ay dapat na makipag-usap sa kanilang doktor kung kailangan silang magpabakuna laban sa hepatis B.
Libre ang pagbabakuna para sa mga bata at ito ay inirerekomenda para sa mga sumusunod na edad:
Mahalaga ang anumang mga dosis para sa pangmatagalang proteksyon.
Ang mga taong wala pang 20 taong gulang na hindi nakakuha ng mga bakuna laban sa hepatitis B sa pagkabata, at mga refugee at iba pang mga humanitarian entrant ng anumang edad, ay maaari ring kwalipikado na makatanggap ng mga libreng pagbabakuna.
Makakatulong rin na maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili laban sa hepatitis B sa pamamagitan ng:
Lahat ng mga taong may karelasyon (sexual partners) at may kasama sa bahay na may impeksyong chronic hepatitis B ay dapat na:
Ang post-exposure prophylaxis (PEP) ay isang gamot na maaaring pigilan ang impeksyon sa mga taong kalalantad lamang sa hepatitis B. Ang mga tao na naniniwala na nagkaroon sila ng isang mataas na panganib na paglapit sa isang tao na may hepatitis B ay dapat na makipag-ugnay sa kanilang doktor. Hindi kinakailangan ang Hepatitis B PEP para sa mga tao na nabakunahan na laban sa hepatitis B at may panangga sa sakit (immune).
Sa panahon ng pagdadalang-tao, aalukin ang mga babae na magpasuri sa hepatitis B bilang bahagi ng kanilang karaniwang pangangalaga. Magbibigay-daan ito para sa kanila na makapagpagamot sa panahon ng pagbubuntis at mabawasan ang panganib na makasagap ang sanggol ng hepatitis B.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa hepatitis B sa pagbubuntis, tingnan ang ‘Ano ang dapat kong gawin kung ako ay magpositibo sa pagsusuri ng hepatitis B?’
Ang hepatitis B ay na-diagnose sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo.
Maaaring magtatagal ng ilang linggo pagkatapos ng unang pagkalantad upang magpositibo sa pagsusuri. Maaaring mangangailangan ng mahigit sa isang pagsusuri.
Maaaring ipakita ng pagsusuri sa dugo kung ang isang tao ay may hepatitis B. Maaari rin nitong ipakita kung nagkaroon na sila noon ng hepatitis B, ‘naalis’ na ang virus at hindi na nakakahawa.
Maaaring kakailanganin ang iba pang mga pagsusuri (tulad ng liver imaging) kung ipapakita ng pagsusuri sa dugo na may chronic hepatitis B.
Kung na-diagnose kang may hepatitis B, dapat kang:
Kung mayroon kang hepatitis B at buntis, o nagpaplanong mabuntis, siguraduhing makipag-usap sa iyong doktor. Depende sa iyong mga resulta ng pagsusuri sa dugo, maaaring kailangan mo ng pagpapagamot sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga sanggol na ipinanganak sa isang ina na nagpositibo sa pagsusuri sa hepatitis B ay mangangailangan ng karagdagang pagpapagamot sa pagsilang. Kabilang dito ang isang iniksyon ng hepatitis B immunoglobulin (antibodies) pati na rin ang karaniwang bakuna laban sa hepatitis B. Mahalaga ang mga pagpapagamot na ito upang mabawasan ang panganib na makakuha ang sanggol ng hepatitis B.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Hepatitis B vaccination for babies (Pagbabakuna laban sa Hepatitis B para sa mga sanggol).