Gonorrhoea

Impormasyon

Anggonorrhoea (tulo) ay isang impeksyon na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Kadalasan ay wala itong mga sintomas. Ito ay karaniwang madaling pagalingin, pero kung hindi gagamutin, maaari itong magsanhi ng malulubhang komplikasyon. Ang paggamit ng condom at dental dam ay makakatulong upang maiwasan ang pagpasa ng impeksyon.

Ano ang tulo?

Ang tulo ay isang sexually transmissible infection (STI). Ito ay sanhi ng bakteryang Neisseria gonorrhoeae. Maaaring mangyari ang impeksyon sa lalamunan, urethra (daanan ng ihi), cervix (kuwelyo ng matris), tumbong at mata

Paano kumakalat ang gonorrhoea?

Ang tulo ay kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa vaginal, anal o oral na walang proteksyon (nang walang condom o dental dam) o sa pakikigamit ng sex toy na ginamit ng isang taong may impeksyon. Ang tulo ay maaari ring maipasa ng ina sa kanyang sanggol habang nanganganak.

Sa ºÚÁϳԹÏÍø, dumarami ang mga impeksyon sa tulo sa mga kalalakihan at kababaihan na dati ay mababa ang panganib (low risk) na magkaroon ng impeksyon.

Ang ilang mga taong may impeksyon ng tulo ay walang mga sintomas at wala silang kamalay-malay na mayroon sila nito. Kahit na walang mga sintomas, maaari pa ring maipasa ng mga tao ang impeksyon sa iba.

Ang pagsusuri para sa tulo ay madali, kumpidensyal at hindi dapat ikahiya. Mahalagang magpasuri kung nakipagtalik ka nang hindi protektado sa isang bago o casual na sexual partner.

Ano ang mga sintomas ng tulo?

Karaniwan ay walang mga palatandaan o sintomas ang gonorhoea maliban kung ang impeksyon ay nasa urethra (daanan ng ihi) o sa mata. Kung makakaranas ka ng mga sintomas, maaaring mangyari ang mga ito 2 hanggang 10 araw pagkatapos mahawahan.

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • pananakit ng balakang
  • pagdurugo ng ari ng babae o spotting pagkatapos makipagtalik o sa pagitan ng regular na pagreregla
  • pananakit o pakiramdam na tila nagliliyab habang umiihi
  • hindi pangkaraniwang discharge (pagtagas) mula sa ari ng babae
  • discharge mula sa ari ng lalaki
  • namamaga at masakit na bayag
  • pananakit sa puwit o may discharge.

Kung hindi gagamutin, ang tulo ay maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon kabilang ang:

  • Kung mayroon kang matris (sinapupunan):
    • pelvic inflammatory disease o PID (kapag nahawahan ang matris at mga fallopian tube)
    • pelvic adhesions (mga peklat na nagiging sanhi ng pagdikit-dikit ng mga tissue sa loob ng balakang (pelvis) na nagdudulot ng talamak na pananakit ng balakang
    • pagkabaog (kawalan ng kakayahang magbuntis) dahil sa pinsala sa matris o mga fallopian tube dulot ng peklat sa tissue (scar tissue)
    • ectopic pregnancy (kapag ang pagbubuntis ay nabuo sa mga fallopian tube sa halip na sa matris)
    • pagpasa ng impeksyon sa iyong sanggol habang ikaw ay nanganganak na hahantong sa malubhang impeksyon sa mata at, sa mga bihirang kaso, mga impeksyon sa daluyan ng dugo o kasukasuan.
  • epididymitis (pamamaga ng tubo mula sa testes)
  • conjunctivitis (pamamaga ng mata)
  • proctitis (pamamaga ng tumbong)
  • prostatitis (pamamaga ng prostate)
  • disseminated infection (malubhang impeksyon sa balat, mga kasukasuan, dugo at mga organo).

Sino ang pinaka-nanganganib sa tulo?

Lahat ng mga taong aktibo sa pakikipagtalik ay nanganganib na mahawahan. Ang mga taong pinaka-nanganganib sa tulo ay ang:

  • mga taong nakipagtalik nang walang proteksyon sa isang taong may tulo
  • mga taong may maraming mga katalik
  • mga bakla, bisexual, at iba pang lalaki na nakikipagtalik sa mga lalaki
  • mga babaing sexual partner ng mga lalaking nakikipagtalik sa mga lalaki
  • sinumang nadiyagnos kamakailan na may STI.

Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili laban sa tulo?

Ang impeksyon sa tulo ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng:

  • laging paggamit ng condom, dental dam, at water-based na pampadulas para sa vaginal, anal at oral sex
  • hindi pagkakaroon ng anumang sekswal na aktibidad sa isang taong nadiyagnos na may tulo hanggang 7 araw makaraang matapos ang kanilang paggamot at ganap nang nagamot ang mga sintomas.

Mapoprotektahan mo ang iyong sarili mula sa mga komplikasyon ng tulo sa pamamagitan ng:

  • regular na pagpapasuri sa iyong doktor para sa STI
  • kung ikaw ay buntis, pagpapasuri para sa lahat ng mga STI sa panahon ng iyong mga antenatal check-up upang maiwasan ang pagpasa ng impeksyon sa iyong sanggol habang ipinanganganak.

Paano nadidiyagnos ang tulo?

Ang tulo ay isang madaling madiyagnos at nagagamot na STI. Ang iyong doktor o nars ay kukuha ng:

  • sample ng ihi (umiihi sa maliit na garapon)
  • swab test na kinuha mula sa ari, ari ng lalaki, urethra, puwit, tumbong o lalamunan. Ang mga swab na ito ay karaniwang maaaring kolektahin ng sarili at hindi ka kailangang suriin pa ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan (healthcare provider).

Ang sample ay ipapadala pagkatapos sa isang laboratoryo para masuri. Kasalukuyang walang maaasahang mga self-test na inaprubahang gamitin sa Australya.

Kahit na wala kang mga sintomas, mahalaga pa rin na magkaroon ng regular na pagsusuri sa kalusugang sekswal. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga pagsusuri sa kalusugang sekswal ay matatagpuan sa Sexual Health Check-up.

Tumawag sa healthdirect (1800 022 222) para humanap ng serbisyo ng pagsusuri na malapit sa inyo.

Paano ginagamot ang tulo?

Ang tulo ay karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng mga antibayotiko (tulad ng ceftriaxone antibiotic injection at azithromycin antibiotic tablets). Bibigyan ka ng iyong doktor ng reseta para sa mga gamot na ito. Dapat kumpletuhin ng mga taong nadiyagnos na may gonorhoea ang inirekomendang kurso ng paggamot.

Ang ilang mga antibayotiko ay nagiging hindi gaanong mabisa sa paggamot sa tulo. Ito ay kilala bilang tulo na hindi tinatalaban ng gamot (drug-resistant tulo). Ang mga hindi tinatalabang uri ng tulo ay nagiging mas karaniwan sa Australya, kadalasan ay mula sa mga impeksyong kaugnay sa paglalakbay sa ibang bansa. Kung ang iyong culture (karagdagang pagsusuri sa sample ng swab/ihi) ay nakakita ng anumang mga uri na hindi tinatalaban ng gamot, ang iyong doktor o lokal na klinika sa kalusugang sekswal ay makikipag-ugnayan sa iyo kung paano pinakamahusay na pamamahalaan ang impeksyon.

Karaniwan ang pagkakaroon ng tulo nang higit pa sa isang beses. Ito ay tinatawag na muling mahawahan ng impeksyon (reinfection). Kahit pagkatapos ng matagumpay na paggamot, ang mga tao ay maaari pa ring muling mahawahan kung sila ay nakipagtalik nang walang proteksyon sa isang taong may tulo.

Ano ang dapat kong gawin kung nagpositibo ako sa tulo?

Kungmayroon kang tulo dapat kang:

  • magpagamot kaagad
  • makipag-usap sa iyong doktor o nars upang sabihin kung sino sa mga sexual partner sa palagay mo ay maaaring nasa panganib; matutulungan ka ng iyong doktor o nars na makipag-ugnayan sa kanila nang personal o nang hindi nagpapakilala
  • ipaalam sa lahat ng mga sexual partner mula sa huling 2 buwan at huwag makipagtalik sa mga partner na ito hanggat hindi pa sila nasuri at nagamot kung may impeksyon.

Kung magpapatuloy ang iyong mga sintomas nang mahigit sa ilang araw pagkatapos magamot, makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider. Maaaring magrekomenda sila ng karagdagang pagsusuri.

Karagdagang impormasyon

  • Sexual Health Infolink (SHIL) para sa libre at kumpidensyal na tulong sa sekswal na kalusugan kabilang ang isang kumpidensyal na help line na matatawagan mula Lunes hanggang Biyernes 9am hanggang 5:30pm.
  • Play Safe ​para sa mga kabataan upang ma-access ang impormasyon tungkol sa ligtas na pakikipagtalik at pag-iwas, pagsusuri at paggamot sa STI.
  • Let them know para sa payo at tulong sa kumpidensyal at hindi makikilalang contact tracing para sa lahat ng mga sexual partner.
  • Better to Know para sa mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga STI at kung saan magpapasuri. Nag-aalok din ang site ng paraan para sabihin ito sa mga sekswal na katalik nang hindi nila malalaman kung sino ka.
  • International Student Health Hub para sa mga internasyonal na estudyante upang makakuha ng impormasyon tungkol sa ligtas na pakikipagtalik, mga STI, kontrasepsyon at pagbubuntis.
  • Family Planning ºÚÁϳԹÏÍø Talkline ​​para sa impormasyon at payo tungkol sa kalusugang reproductive at sekswal. Ito ay libre, kumpidensyal at available Lunes hanggang Biyernes, 8:00am-8:00pm sa 1300 658 886.

© ºÚÁϳԹÏÍø Ministry of Health. SHPN (CDB) 250289

​
Current as at: Tuesday 29 April 2025
Contact page owner: Communicable Diseases