Chlamydia

Impormasyon

Ang chlamydia ay isang impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik. Maraming tao na nahawahan ay walang mga sintomas ng impeksyon ngunit maaari pa ring magkalat ng sakit. Ang chlamydia ay maaaring humantong sa pagkabaog, at iba pang mga komplikasyon kung hindi gagamutin

Ano ang chlamydia?

Ang chlamydia ay isang karaniwang sexually transmissible infection (STI). Ito ay sanhi ng bakteryang Chlamydia trachomatis. Maaaring mangyari ang impeksyon sa lalamunan, urethra (daanan ng ihi), cervix (kuwelyo ng matris), tumbong at mata.

Ano ang mga sintomas ng chlamydia?

Maaaring lumitaw ang mga sintomas 2 hanggang 14 na araw pagkatapos ng impeksyon, kabilang ang:Ang Chlamydia ay karaniwang walang mga palatandaan o sintomas. Kung makakaranas ka ng mga sintomas, maaari itong mangyari 2 hanggang 14 na araw pagkatapos mahawahan.

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • hindi pangkaraniwang discharge (pagtagas) mula sa ari ng babae
  • discharge mula sa ari ng lalaki
  • pagdurugo ng ari ng babae o spotting pagkatapos makipagtalik o sa pagitan ng regular na pagreregla
  • pananakit habang o pagkatapos ng pakikipagtalik
  • pananakit ng balakang
  • pananakit sa puwit o may discharge.

Kung hindi gagamutin, ang chlamydia ay maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon kabilang ang:

  • Kung mayroon kang matris (sinapupunan):
    • pelvic inflammatory disease o PID (kapag nahawahan ang matris at mga fallopian tube)
    • pelvic adhesions (mga peklat na nagiging sanhi ng pagdikit-dikit ng mga tissue sa loob ng balakang (pelvis) na nagdudulot ng talamak na pananakit ng balakang
    • pagkabaog (kawalan ng kakayahang magbuntis) dahil sa pinsala sa sinapupunan o mga tube na dulot ng peklat na tissue (scar tissue)
    • ectopic pregnancy (kapag ang pagbubuntis ay nabuo sa mga fallopian tube sa halip na sa matris)
    • pagpasa ng impeksyon sa iyong sanggol habang nanganganak na humahantong sa conjunctivitis (pamamaga ng mata) o pulmunya (mga impeksyon sa baga)
  • epididymitis (pamamaga ng tubo mula sa testes)
  • pamamaga at pananakit ng mga kasukasuan
  • conjunctivitis o pamamaga ng mata
  • proctitis (pamamaga ng tumbong).

Sino ang mas nasa panganib ng chlamydia?

Lahat ng mga taong aktibo sa pakikipagtalik ay nanganganib na mahawahan. Ang mga taong mas nasa panganib ng chlamydia ay:

  • mga kabataan
  • mga taong nakikipagtalik nang walang proteksyon sa isang taong may chlamydia
  • mga taong may maraming mga katalik
  • sinuman na kamakailan ay nadiyagnos na may anumang STI.

Mapoprotektahan mo ang iyong sarili mula sa mga komplikasyon ng chlamydia sa pamamagitan ng:

  • regular na pagpapasuri sa iyong doktor para sa STI
  • kung ikaw ay buntis, pagpapasuri para sa lahat ng mga STI sa panahon ng iyong mga antenatal check-up upang maiwasan ang pagpasa ng impeksyon sa iyong sanggol habang ipinanganganak.

Paano nadidiyagnos ang chlamydia?

Ang chlamydia ay isang madaling masuri at magagamot na STI. Ang iyong doktor o nars ay kukuha ng:

  • sample ng ihi (umiihi sa maliit na garapon)
  • swab test na kinuha mula sa ari, ari ng lalaki, urethra, puwit, tumbong o lalamunan. Ang mga swab na ito ay karaniwang maaaring kolektahin ng sarili at hindi ka kailangang suriin pa ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan (healthcare provider).

Pagkatapos, ang ihi o swab ay ipadadala sa isang laboratoryo para masuri. Kasalukuyang walang maaasahang mga self-test na inaprubahang gamitin sa Australya.

 

Kahit na wala kang mga sintomas, mahalaga pa rin na magkaroon ng regular na pagsusuri sa kalusugang sekswal. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga pagsusuri sa kalusugang sekswal ay matatagpuan sa Sexual Health Check-up.

 

Tumawag sa healthdirect (1800 022 222) para makahanap ng serbisyo ng pagsusuri (testing service) na malapit sa inyo.

Paano ginagamot ang chlamydia?

Ang Chlamydia ay madaling gumaling sa pamamagitan ng isang kurso ng antibiyotiko. Ang paggamot ay doxycycline 100mg dalawang beses sa isang araw sa loob ng 7 araw. Ang isa pang paggamot ay isang dosis ng azithromycin 1g. Bibigyan ka ng iyong doktor ng reseta para sa antibiyotiko.

Mahalagang magpatingin sa iyong healthcare provider para magamot. Kung babalik ang iyong mga sintomas o hindi bumuti, pumunta kang muli sa iyong doktor o nars para sa tulong.

Karaniwan ang muling mahawahann ng chlamydia. Kahit na matagumpay kang magamot, maaari ka pa ring muling mahawahan kung nakikipagtalik ka nang walang proteksyon sa isang taong may chlamydia. Mahalagang magkaroon ng isa pang pagsusuri 3 buwan pagkatapos ng paggamot upang matiyak na hindi ka muling nahawahan.

Ano ang dapat kong gawin kung nagpositibo ako sa chlamydia?

Kung mayroon kang chlamydia, dapat kang:

  • mag handa kaagad
  • makipag-usap sa iyong doktor o nars upang sabihin kung sino sa mga sexual partner sa palagay mo ay maaaring nasa panganib; matutulungan ka ng iyong doktor o nars na makipag-ugnayan sa kanila nang personal o nang hindi nagpapakilala
  • ipaalam sa lahat ng mga sexual partner mula sa huling 6 na buwan at huwag makipagtalik sa mga partner na ito hangga't hindi pa sila nasusuri at nagagamot kung nahawahan.

Karagdagang impormasyon

  • Sexual Health Infolink (SHIL) para sa libre at kumpidensyal na tulong sa sekswal na kalusugan kabilang ang isang kumpidensyal na help line na matatawagan sa 1800 451 624 mula Lunes hanggang Biyernes, 9am hanggang 5:30pm.
  • Play Safe 鈥媝ara sa mga kabataan upang ma-access ang impormasyon tungkol sa ligtas na pakikipagtalik at pag-iwas, pagsusuri at paggamot sa STI.
  • Let them know para sa payo at tulong sa kumpidensyal at hindi makikilalang contact tracing para sa lahat ng mga sexual partner.
  • Better to Know para sa mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga STI at kung saan magpapasuri. Nag-aalok din ang site ng paraan para sabihin ito sa mga sekswal na katalik nang hindi nila malalaman kung sino ka.
  • International Student Health Hub para sa mga internasyonal na estudyante upang makakuha ng impormasyon tungkol sa ligtas na pakikipagtalik, mga STI, kontrasepsyon at pagbubuntis.
  • Family Planning 黑料吃瓜网 Talkline 鈥嬧€媝ara sa impormasyon at payo tungkol sa kalusugang reproductive at sekswal. Ito ay libre, kumpidensyal at available Lunes hanggang Biyernes, 8:00am-8:00pm sa 1300 658 886.
Current as at: Wednesday 16 April 2025
Contact page owner: Specialist Programs